Aabot sa 32 pamilya ang nawalan ng masisilungan matapos lamunin ng apoy ang 18 bahay sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Base sa report, sumiklab ang sunog sa San Gregorio Street, Barangay Gen. T. De Leon, dakong 7:30 ng gabi.

Napag-alaman na nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ni Dolores Panong, 47, na ang itinuturong dahilan ay ang ilegal na koneksiyon ng kuryente o jumper.

Ayon sa mga kapitbahay ni Panong, may naamoy silang parang nasusunog na kuryente mula sa bahay ng una hanggang sa tuluyan itong nagliyab at kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang yari sa light materials.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Halos tatlong oras, dakong 10:00 ng gabi, bago naapula ang apoy.

Agad inilikas sa Azicate Covered Court ang mga nasunugan. (Orly L. Barcala)