SINGAPORE (AFP) – Isang 22-anyos na babaeng Singaporean na nagbabalak pumunta ng Syria kasama ang kanyang anak at magpakasal sa isang mandirigma ng Islamic State ang idinetine nang walang paglilitis, sinabi ng city-state nitong Lunes.

Si Syaikhah Izzah Zahrah Al Ansari, nagtatrabaho sa isang community nursery, ay idinetine sa ilalim ng Internal Security Act (ISA) na nagpapahintulot na ikulong ang indibidwal na itinuturing na banta sa seguridad hanggang dalawang taon, ayon sa Ministry of Home Affairs.

“Izzah was intent on joining ISIS and was actively planning to make her way to Syria, with her young child,” pahayag ng ministry, gamit ang buong pangalan ng grupong Islamic State of Iraq and Syria. “She supported ISIS’s use of violence to establish and defend its self-declared ‘caliphate’, and aspired to live in it.”

Sinabi ng Islamic Religious Council ng Singapore na ipinakita ng insidente na “very real” ang banta ng self-radicalisation.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“An individual may fall prey to false narratives and teachings on the internet and social media, such that even a real life support structure may not be able to counter them,” pahayag ng council.