Pangulong Duterte at Robin copy

INILABAS ni Robin Padilla ang mga resibo ng pagbili niya ng tiket sa biyahe niya sa Russia pati ang ibinayad sa hotel na tinirhan niya. Ito’y para kontrahin ang mga nagsasabing sagot ni President Rodrigo Duterte at ng pamahalaan ng Pilipinas ang airfare, hotel at pati pocket money niya habang nasa Russia siya.

Ipinangako ni Robin na ipapakita ang resibo at ginawa nga nito. Nakapangalan sa kanya ang resibo at mababasa ang binayaran niyang P243,822.44. Ang mahal palang pumunta sa Russia.

Hindi masyadong malinaw ang invoice issued ng hotel na tinuluyan ni Robin, pero kita roon na siya pa rin ang nagbayad via his credit card.

Human-Interest

Kung ikaw si Misis: Payag ka, babaeng co-teacher ni Mister umaangkas sa motor niya?

Nauna nang nagsalita si Mariel Rodriguez tungkol sa akusasyon kay Robin na sagot ng gobyerno ang pamasahe nito pati pa-hotel.

“fyi Robin Padilla paid for his airfare and hotel. he did not accept a position in the government ticket pa kaya at pa hotel tatanggap siya??? helloooo! stupid “tsuwariwap” blogger...Know your facts!” (Nitz Miralles)