TINIYAK ni WBO Intercontinental at NABF super flyweight titlist Aston Palicte na hindi mauunsiyami ang kanyang kampanya sa Amerika nang talunin sa 7th round TKO si three-time world title challenger Mark John Apolinario kamakailan sa Robinson’s Mall Atrium sa Gen. Santos City, South Cotabato.

Nakipagsabayan ang beteranong si Apolinario kay Palicte sa loob ng unang anim na rounds pero medyo bumagal na siya sa 7th round kaya dalawang beses bumagsak at itinigil ng referee ang laban.

“Magandang tune-up ito sa akin para sa susunod kong laban sa US (United States),” sabi ni Palicte ipinalasap ang unang pagkatalo kay Mexican Oscar Cantu noong nakaraang Disyembre 17 sa Las Vegas, Nevada.

Napaganda ni Palicte ang kanyang rekord sa 23-2-0 na may 19 panalo sa knockouts samantalang sumemplang ang kartada ni Apolinario sa 18-9-3 na may 4 pagwawagi sa knockouts. (Gilbert Espeña)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!