Nasa 1,735 sa 1,946 na beterano na kabilang listahan ng mga patay ang tumatanggap pa rin ng buwanang pension mula sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), ayon sa Commission on Audit (CoA).
Ang mga “multong beteranong” ito ay may nakukuha pang tseke na umabot sa kabuuang P54.9 milyon, ini-report ng CoA sa 2016 annual audit.
Nabawi ng PVAO ang P33,038,227.05, ayon sa CoA.
Inaasahang inalis na sa listahan ng mga beneficiaries ang 1,946 na patay na pensioner, ngunit 89 na porsiyento sa kanila ay patuloy pa ring tumatanggap ng tseke.
“Poor monitoring and non-updating of records resulted in the overpayment of pension to 1,735 or 89 percent of 1,946 deceased pensioners for FY 2015 and CY 2016”, saad ng CoA.
Noong 2015 ay sinimulan ng PVAO ang Enhanced Validation Program (PEVP) na ginamitan ng ahensiya ng electronic validation procedures upang mapabilis at maisaayos ang pamamalakad nito.
Sinab ng CoA na ang bilang ng mga yumao nang pensioner ay galing sa Integrated Veteran Database Management System.
Pinuna ng CoA ang PVAO dahil sa pagdepende sa update form na isinumite ng pensioners.
“The non-coordination and inconsistency with the monitoring mechanism adopted are the reason for th weak and ineffective implementation to safeguard and protect the pension fund from probable loss,” ayon sa CoA. (BEN ROSARIO)