Umakyat na sa 191 kasapi ng Maute at Abu Sayyaf ang nasawi sa halos tatlong linggong bakbakan sa Marawi City, inihayag kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sumiklab ang digmaan noong Mayo 23.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakumpiska rin mula sa mga terorista ang 154 na high-powered firearms.

May 36 na sibilyan ang nasawi, kabilang ang 29 na Kristiyano, at ang pitong Muslim na tinamaan ng ligaw na bala.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nailigtas ng mga sundalo ang 1,613 Kristiyano at Maranao na ilang araw naipit sa lugar na pinagtataguan ng mga terorista. (Fer Taboy)