basket copy

NASUNGKIT ng Emilio Aguinaldo College Generals at Letran Knights ang semifinals slot nang magwagi sa magkahiwalay na duwelo nitong Sabado sa quarterfinal round ng 23rd Fr. Martin Cup Summer Basketball tournament.

Umabot sa overtime ang pakikidigma ng Generals bago namayani kontra AMA Computer University Titans, 79-74, sa St. Placid gymnasium sa San Beda-Manila campus sa Mendiola.

Sumandal naman ang Knights sa matatag na free throw shots para patahimikin ang National University Bulldogs, 84-79, sa torneo na suportado ng Armor On Sportswear.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Nakataya ang nalalabing dalawang slot sa Final Four para sa La Salle Green Archers, Centro Escolar University Scorpions, University of the Philippines Fighting Maroons at Diliman College Blue Dragons.

Naisalpak nina Irvin Mendoza at Jethro Mendoza ang three-pointer para makaungos ang Generals sa extra period. Mula sa 69-all, nakalamang ang EAC sa three-pointer may 3:30 sa overtime.

“Yes. This will be our first time in the semifinals,” sanbit ni id Generals coach Ariel Sison.

Naisalpak ni Jerome Garcia ang game-high 17 puntos para sa Generals, habang nanguna sa Titans sina Graham Owen at Jerome Gragasin ma may tig-18 puntos.

Nanguna sa Knights si Jeo Ambohot na may 20 puntos.

Sa women’s division, tumipa si Khate Castillo ng 19 puntos para sandigan ang La Salle Lady Archers sa 73-60 panalo kontra University of the Philippines.

Kumubra si Ria Nabalan ng 11 puntos para sa National University Lady Bulldogs sa 47-43 panalo kontra University of the East.

Sa junior division, nagwagi ang Hope Christian School, sa pangunguna ni Harvey Pagsanjan na may 30 puntos, kontra EAC, 87-71, habang pinatumba ng Letran ang NU Bullpups, 82-64.