Sa kabila ng madugong digmaan sa Marawi City, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga “bakwit” o mga residenteng lumikas, na matatapos din ang digmaan. Lumalakas ang kanilang loob dahil na rin sa tulong ng mga ahensiya ng pamahalaan at pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na wawakasan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang digmaan at malipol ang mga teroristang Maute Group na inudyukan ng grupong Islamic State (IS o ISIS).

Ito ang paninindigan ng mga naipit sa bakbakan kahit nasa ligtas na silang lugar sa Koronadal City.

Hindi maiwasan ni Nuraiza Lumudag at ng mga kasamang bitag na maging emosyonal tuwing binabalikan ang kanilang pinagdaanan bago nakaligtas sa engkuwentro.

Kaugnay ng selebrasyon ng ika-119 na Araw ng Kalayaan, hiniling ng mga nakaligtas na mabalik na ang kapayapaan sa Marawi upang makabalik na rin sila sa kanilang lupang sinilangan.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Anila, kahit dumanak na ang dugo sa kanilang lugar at naging mapait ang mga alaalang iiwan ng bakbakan, babalikan pa rin sila roon kasabay ng panawagan sa Muslim community na ipanalangin ang mga sundalong nagsasakripisyo.

Sa huling bakbakan, 13 Marines ang namatay, kabilang ang team leader na nakadiskubre sa halos P70 milyong bungkus-bungkos na pera sa bahay na pinagtaguan ng Maute Group, habang 191 ang nasawi sa hanay ng mga militante. (Jun Fabon)