ISA siya sa mga actor na naging malapit sa amin. May narating na rin naman siya sa showbiz. Nagkaroon siya ng mga show sa TV -- at minsan ay naging paborito ng mga taong namamahala ng kilalang TV station -- at maraming beses na rin namang nabigyan ng pagkakataon na maging leading man sa pelikula.
Pero dumating ang panahon na medyo tumagilid ang career ng actor. Simula kasi nang maitsa-puwera siya ng TV network na nag-alaga sa kanya ay nawalan ng proyekto ang hunk actor.
Kamakailan, dumating sa Pilipinas galing ibang bansa ang isang tao na naging malapit din sa hunk actor at naibalita niya sa amin na nagkikita raw sila ng paborito niyang actor sa pinanggalingan niya.
Mas enjoy daw ang hunk actor doon, halatang mas masaya, at mukhang natagpuan na nito ang kaligayahan, sa piling ng isang negosyanteng bading.
“Mayamang-mayaman ang dating ni _____ (hunk actor). Ang gara ng kotse. At talagang sunod ang layaw niya. Sa totoo lang, eh, very delicious at papable pa rin siya. Kaya nga marami sa mga kasamahan naming Pinoy gays ang naiinggit sa bading na ‘yun,” sey pa ng balikbayan naming friend.
Superich daw ang sinasabing karelasyon ngayon ng hunk actor na sa pagkakaalam ng source namin ay dito pa lang daw sa Pilipinas ay ang naturang bading na ang kinakapitan ng actor.
In fairness, ipinakilala na rin naman daw sa kanila ni actor ang rich gay.
“Sabi niya sa amin, eh, kaibigan lang daw niya si Richie Richie gay pero madalas naming nahuhuling nagho-holding hands,”kuwento pa rin sa amin ng source namin. (Jimi Escala)