TARLAC CITY – Hindi school bus kundi school boat ang ipinagkaloob ng Land Bank of the Philippines sa mga mag-aaral sa Hagonoy at Paombong sa Bulacan.

Tig-isang “Floating School Bus” ang inihandog ng Landbank sa Tibagin National High School sa Hagonoy at sa pamahalaang barangay ng Masukol sa Paombong.

Ang Floating School Bus ay bangkang de-motor na kayang magsakay ng hanggang 20 katao, ayon kay Landbank

Malolos Highway Branch Manager Paulino Tiongson.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Bawat isang bangka ay nagkakahalaga ng P65,000, ayon kay Tiongson. (Leandro Alborote)