KINGSTON, Jamaica (AP) — Naging madamdamin, ngunit bumuhos ang paghanga ng sambayanan sa kanilang pinakamamahal na anak – Usain Bolt – na tuluyang nang magreretiro ngayong taon.
Sa kanyang huling takbo sa track oval na naging saksi nang kanyang dominasyon, pinagwagihan ng world record holder ang paborito niyang 100-meter race sa ‘Tribute to a Legend’.
Umabot sa 30,000 ang crowd na sumaksi sa huling takbo ni Bolt, kabilang sina IAAF President Sebastian Coe at Jamaican Prime Minister Andrew Holness.
“Just to thank someone who has changed the face of our sport, and has encouraged so many young people to our sport,” pahayag ni Coe, sa opisyal na website ng IAAF.
Nailista ni Bolt ang bilis na 10.03 segundo, gahibla ang layo sa kanyang world record na 9.58, ngunit napantayan niya ang tyempo na nagawa niya may 10 taon na ang nakalilipas.
Hawak ng 30-anyos na Jamaican star ang marka na tanging runner na nagwagi ng 100 at 200 meter sa tatlong sunod na Olympics.
“Saluting a legend. Thank you @usainbolt for all you have done for the sport of athletics and Jamaica.” Pahayag ni Holbess sa kanyang Twitter account.
Kabilang ang Golden Spike track meet sa Ostrava, Czech republic sa torneo na lalahukan ni Bolt ngayong taon.
Ipinahayag ng organizers ang pagdating ng eight-time Olympic champion sa karera sa Hunyo 28.
“I think (the Golden Spike) was the first professional track meet that invited me to run back at the start of my career and it is fitting that I should return there in my final season,” sambit ni Bolt.