ni Mary Ann Santiago at Beth Camia

Inamin ni Tourism Secretary Wanda Teo na marami nang turistang nagkansela ng biyahe patungo sa mga probinsiya sa Mindanao, kasunod ng banta ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at umiiral na martial law.

Sa panayam kay Teo sa podcast ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson, sinabi ni Teo na may mga natakot sa batas militar, ngunit mas kinatatakutan ng mga turista ang ISIS.

Sa kabila nito, kumpiyansa si Teo na babalik sa dating sigla ang turismo at makababangon din ang Mindanao.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Aniya, nangako ang mga turista na sa sandaling bawiin ang batas militar sa Mindanao at wala nang banta ng ISIS ay babalik at bibisita sila sa rehiyon.

“So ‘yong pag-declare ng martial law, may mga natakot, so nag-cancel sila, but they promise to go back once na-lift na ‘yong martial law,” pahayag ni Teo.

Sa kabila nito, may mga turista pa ring nagtutungo sa Davao, Siargao, Cagayan de Oro at Camiguin.

Una nang iniulat ng Department of Tourism na sa kabila ng mga kaguluhan, mataas pa rin ang bilang ng mga turistang nagtungo sa bansa kaysa nakaraang taon.