Ipinasa ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa ang panukalang susugan ang Republic Act 53 o ang Sotto Law at isama ang mga mamamahayag sa broadcast at news agencies.

Sa ilalim ng RA 53 (The Sotto Law), maaaring tumanggi ang publisher, editor, columnist o reporter ng pahayagan, magazine o peryodiko na may pambansang sirkulasyon, na ihayag ang pinangggalingan o impormante ng confidential na ulat o impormasyon, maliban kapag tinukoy ng korte o ng Kongreso na kailangang isiwalat ang source para sa seguridad ng estado.

Ang pinagtibay na House Bill 684 ay may titulong “An Act Amending Republic Act 53, as Amended, otherwise known as ‘An Act to Exempt the Publisher, Editor or Reporter of Any Publication from Revealing the Source of Published News or Information Obtained in Confidence,’ by Including Within its Coverage, Journalists from Broadcast and News Agencies”. - Bert de Guzman
Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula