WASHINGTON (AFP) – Matapos ang ilang buwang pamumuhay na magkakahiwalay ay magkakasama nang maninirahan sa White House sina President Donald Trump, First Lady Melania at kanilang anak na si Barron.

Lumipat si Trump sa White House para simulan ang kanyang pamumuno noong Enero ngunit nanatili sa Trump Tower sa New York si Melania, 47 anyos, at si Barron, 11, hanggang sa makatapos sa pag-aaral ang huli.

Sinabi ng Washington-news web site na Politico, na lilipat sina Melania at Barron sa White House sa Hunyo 14, ang araw na ipagdiriwang ni Trump ang kanyang ika-71 kaarawan. Iniulat din ng CNN na lilipat ang mag-ina sa susunod na linggo, ngunit hindi nagbanggit ng petsa.

‘’The move helps to give the impression that the president is currently in a stable, solid marriage and that his home life is under control,’’ sinabi ni Katherine Jellison, history professor sa Ohio University na dalubhasa sa pag-aaral sa mga first lady.
Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'