110617_Kiss the Bride_02_zaldy comanda copy

CAMP DANGWA, Benguet – Labing-isang magkasintahan na kinabibilangan ng sampung pulis at isang non-uniform personnel ang sabay-sabay na ikinasal sa “Kasalan sa Kampo”, ang kauna-unahang mass wedding na isinigawa ng Police Regional Office-Cordillera, noong Sabado.

Sa mga ikinasal, walo ang lalaking pulis at apat ang babaeng pulis, kabilang na ang dalawang couple na parehong pulis. Siyam ang sibilyan at babaeng NUP.

Ang mga ikinasal ay mula sa iba’t ibang provincial command sa rehiyon, maliban sa isang asawa ng taga-Apayao na nagmula pa sa Police Regional Office sa Autonomous Region for Muslim Mindanao.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Ayon kay Police Officer 2 Rosale Elado, tubong Cotabato City at public information officer ng Maguinadanao Provincial Police Command, matapos ang anim na taon nilang pagsasama ni Police Officer 1 Arnold Vale ay napagkaisahan nila na sumali sa mass wedding ng PROCOR.

“Actually, first time ko makapunta dito at sinamantala na namin ang pagkakataong ito. Si Arnold ay kaklase ko sa police training noon at nagkasama kami noong nadestino siya sa Marawi City Police Station noong 2012 hanggang 2015, bago nalipat dito sa Cordillera,” kuwento ni Rosale.

Ayon kay Chief Superintendent Elmo Sarona, ang mass wedding ay sponsor ng PMA Class 1986, sa pangunguna ni Chief PNP Ronald Dela Rosa, na hindi nakadalo.

Aniya, lahat ng directoral staff at provincial director ay tumayong ninong at ninang ng mga ikinasal.

Ginanap ang kasalan sa Saint Paul Chapel ng kampo, na opisyal na isinasagawa ni Regional Chaplain Superintendent Heintji Canete.

“It shows that here in Camp Dangwa love is in the air. Siyempre importante na ang kapulisan natin ay may family base.

This mass wedding was made para sa nagsasama na without the benefit of marriage, para maging officially married na.

Kapag maganda ang takbo sa pamilya ay maganda din ang kanilang panunugkulan,” pahayag ni Sarona. (Rizaldy Comanda)