Ni REGGEE BONOAN

SA launching ng The Eddy’s Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) ay tinanong ang grupo kung para saan itong awards na ipamimigay nila at paano ito nabuo at ano ang pagkakaiba nito sa ibang award-giving bodies na binuo naman ng entertainment columnists/reporters tulad ng Philippine Movie Press Club o PMPC at Enpress.

Speed
Speed
“Nagsimula lang ito as social club, barkadahan, friendship lang na samahan ng editors, ‘tapos nagkaroon na ng agenda,” bungad ng entertainment editor ng People’s Journal na si Eugene Asis.

Salo naman ng entertainment editor ng Manila Times na si Tessa Mauricio-Arriola, “Nag-enjoy lang talaga kami with each others’ company, we thought since nagmi-meeting na kami at nagsasama-sama kami linggu-linggo, so naisip namin na why not do something meaningful din na makakatulong kami sa industriya and one of them is the awards night.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Besides that, meron din po kaming ibang projects we’re hoping also to conduct seminars meant for budding journalists. Mayroon na po kaming scholar na ‘pinadala sa school at dadagdagan pa po namin ‘yun. Siyempre since mahal namin itong industriya, we also like to mold future entertainment journalist para ma-lift din ang pagtingin sa atin ng mga kasamahan natin in general in publishing.

“This is is just one of them, ito naman (pagbibigay ng awards), dream naman, di ba. It’s nice to give recognition to people that we write about, so ito po ‘yung isa sa bucket list namin, sana tuluy-tuloy na.

“Meron din po kaming orphanage sa Bustos (Bulacan) na sinu-support. Nakapagbigay po kami doon nu’ng Pasko ‘tapos bumabalik din po kami every so often doon kung anuman ang puwede naming maibigay, maliit man o malaki. We also try to do that for them, so binigyan lang po namin ng meaning ang aming pagkakaibigan at pagsasama.”

At dahil samahan nga ng mga maimpluwensiyang entertainment editors ang SPEED ay natanong kung ano ang stand nila kapag nagkaroon ng problema ang miyembro sa isang TV network o movie outfits o artista. May pagkakaisa ba silang aksiyon dito.

“Wala sa agenda namin ang maging revengeful sa mga public relation, sa networks, sa mga producer. What we do kapag mayroon isang member ang medyo naka-feel ng dehado o feeling niya dehado siya, me as a president, I make representation doon sa network or film production to ask them what the problem is doon sa member. Hanggang doon lang po and then we try to mend their differences along the way. Walang solid na we will ban them, mahirap kasi ‘yan. Alam mo ‘pag nagba-ban ka, bumabalik sa ‘yo ‘yun, eh. ‘Sasabihin nila, kung nagba-ban kayo, iba-ban din natin sila’,” maayos na paliwanag mabuti ng SPEED president na si Isah Red.

Naihambing ang samahan ng editors sa PAMI (Professional Artist Managers, Inc.) na samahan naman ng talent managers.

“Ay, wala naman kaming mina-manage na talents,” sagot kaagad ni Isah.

Samantala, tinanong namin kung bakit ilang pelikula lang ang nominado sa kanilang first Eddy’s Awards at ano ba ang cut off nito?

“’Yung period, we started from January 201 to December 2016, at lahat kami ay napanood namin ang maraming pelikula or ‘yung ibang members ay napanood na nila at kung sila mismo ang nagsabing hindi maganda o pasado sa amin, hindi na namin isinasama. At we also compared our chosen films sa CEB (Cinema Evaluation Board) na nabigyan ng mataas na ranking, we have the copies, so from there, nagkaisa kami kung anong films ang kasama sa nominations,” paliwanag ng SPEED president.

Tinanong naman ng Dean of Entertainment Writers na si Manay Ethel Ramos ang Bossing DMB namin bilang auditor ng SPEED kung gaano kalaki na ang seed money ng organization para makapagtayo sila nito.

“Manay, hindi puwedeng sabihin kung magkano ang funds namin, pero non-profit po at mayaman kami at hindi puwedeng mabili ang members,” simpleng sagot ni Bossing DMB.

Natatawang sundot naman ng entertainment editor ng Abante na si Dondon Sermino, “In fairness may pondo kami Manay kaya huwag mo kaming intrigahin.”

Hirit naman ni Isah, “Manay, ang worth ng grupo is more than 10 million because of our intelligence.”

At siyempre marami ang magtataas ng kilay sa SPEED dahil sa Eddy’s Awards at kung handa na ba ang grupo sa bashers sa social media.

“Ready? Matagal na kaming ready. Hindi mo naman matatanggal na mayroong mag-bash sa isang organization dahil everybody said na you can’t please every one. Mayroon sigurong hindi matutuwa sa nominations, mayroon ding matutuwa. So tingnan na lang natin kung sino ‘yung matutuwa at sinong hindi. Then, we will cross the bridge when we get there,”katwiran ni Isah.

As of this writing ay wala pa kaming narinig na feedback sa inilabas na list of nominees dito sa Balita kahapon.

Kaya sama-sama nating abangan ang unang Entertainment Editors Awards sa Hulyo 9, 7 PM sa KIA Theater, Araneta Center Cubao, Quezon City at mapapanood sa delayed telecast ng ABS-CBN, produced ng Viva Live at ABS-CBN.