niRommel P. Tabbad

Nagbabala kahapon ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga residente sa paligid ng Bulusan at Mayon Volcanoes na maging alerto laban sa lahar flow dahil sa walang-patid na pag-ulan sa lugar.

Paliwanag ng Phivolcs, maaaring dumausdos sa kapatagan ang volcanic materials na naipon sa crater ng dalawang bulkan.

Nagpayo rin ang Phivolcs na subaybayan ang pinakahuling impormasyong ilalabas ng ahensiya at ng local government units kaugnay ng sitwasyon ng dalawang bulkan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kaugnay nito, muling nagbuga ng abo ang Mt. Bulusan kasabay ng naitalang dalawang pagyanig sa nakalipas na 24 oras.