Ni REGGEE BONOAN

FINALE week na ngayon ng seryeng My Dear Heart kaya halos iisa ang pahayag ng buong cast sa thanksgiving presscon na mami-miss nila nang husto ang samahan nila sa set dahil parang naging pamilya na sila, nagtutulungan, maraming pagkain, at higit sa lahat ang mga masasayang sandaling kasama nila sina Heart (Nayomi Ramos) at Bingo (Enzo Pelojero) na walang ginawa kundi aliwin at patawanin sila.

Ria Atayde
Ria Atayde
Isa si Ria Atayde sa napuri pagdating sa acting considering na sa My Dear Heart ang unang sabak niya sa mabigat na acting kumpara sa Ningning (2015) na gumanap siya bilang Teacher Hope ni Jana Agoncillo.

Labis-labis ang pasasalamat ni Ria sa break na ibinigay sa kanya ng Dreamscape Entertainment headed by Deo Endrinal at Julie Anne Benitez dahil nag-akala siya noong una na sa pilot/ending week lang siya mapapanood sa My Dear Heart.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Maraming salamat sa pagtanggap sa akin bilang Dra. Guia, super thank you po talaga sa trust,” emosyonal na sabi ni Riaml. “Ang alam ko kasi pilot and ending lang ako, napaaga ‘yung balik ko, lumaki ‘yung character ko as the mom of Heart, so really thankful talaga ako. Unexpected blessings po ito.”

Sa unang linggong episode ng MDH, ipinakitang nagbuntis at nanganak si Guia at kaagad ipinadala ng mommy niya (Ms. Coney Reyes) sa ibang bansa para ilayo sa kahihiyan at sa boyfriend na si Zanjoe Marudo.

Aware ang aktres na sa tatakbuhin ng istorya, sa huli na uli siya lilitaw ulit para ipaalam na siya ang tunay na ina ni Heart. Pero ilang linggo pa lang umeere ang My Dear Heart, pinabalik na siya sa kuwento.

“Super nakakakilig po and I know marami pa po akong matututunan, but it’s nice to know that at least, at the very least, I’m on the right track, nakakakilig po,” nakangiting sabi ng baguhang aktres.

“I think one day she’ll have a name of her own apart from mommy (Sylvia Sanchez) niya or brother niyae (Arjo Atayde) niya,” papuri ni Coney sa kanya.

Ano ang memorable o favorite scene ni Ria sa MDH?

“Wala po akong maisip na specific kasi this whole experience has been a learning experience and process for me so. I’d like to think na every scene is crucial in my forming a better version of me and yes, ‘yung mga confrontation scenes with Tita Coney. Kasi sometimes, titingin ka lang sa kanya, ‘whoop, ayun ka na’, I guess I think everything, tumatak sa akin,” kuwento ng dalaga.

Nakakatakot bang kaeksena si Ms Coney?

“Hindi po, initially po, matatakot ka kasi parang ‘my gosh, si Ms. Coney..., but kasi I feel like through the course of the show, Tita Coney and I have develop a relationship off-cam also na sobrang komportable na sa kanya na even lovelife ko na non-existent alam niya ‘yung mga kuwento, ganyan. Lahat ng kuwento ko, alam niya. So komportable po ako kapag si Tita Coney ang kaeksena ko,” nakangiting kuwento ni Ria.

Samantala, walang ideya ang cast ng My Dear Heart kung ano ang mangyayari sa ending dahil iso-shoot pa lang nila.

Consistent na mataas ang ratings ng My Dear Heart, mula sa direksiyon nina Jojo Saguin at Jerome Pelgone.