Ni NITZ MIRALLES

NAGPUNTA sa Regional Command Coordinationg Center (RCCC) sa Iligan City si Angel Locsin para bisitahin ang mga bakwit galing Marawi City. Nag-volunteer din ang aktres at katunayan, may ID siya bilang volunteer.

Marami ang humanga kay Angel lalo’t siya ang unang celebrity na pumunta sa Iligan na 38 kilometers away from Marawi. Pinasalamatan siya hindi lang ng mga taga-Marawi City kundi pati na ng iba pang Muslim na nakatira sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at mundo.

Ang gaganda ng comments, gaya ng, “The real super hero,” “We thank you so much for visiting our home. You are a brave woman u never hesitate to come, u just prove that u are a true Maranao. Love u so much, may ALLAH bless u more” at “Thank you sa malasakit @therealangellocsin ikaw pa lang ang kauna-unahang artista na nagbigay ng tulong at nagparamdam ng pagmamahal sa mga taga-Mindanao lalo na sa Marawi... sa pagpunta mo jan, I’m sure madaming tao ang nabigyan mo ng pag asa... Thank you, Gel. May Allah bless you and your family. Jazzakhalakhair #therealhero.”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Walang tatalo kay Neil Arce na pinost pa ang ID ng pagiging volunteer ni Angel at may caption na, “You don’t need to wear a costume to be a super hero:)”

Parang pumunta pa sa Marawi City si Angel dahil nag-posts ito ng two pictures na kuha roon. Una ang itaas ng isang mosque na nilagyan niya ng caption na “Kapayapaan #PrayForMarawiCity #Mindanao #Peace” at pangalawa ang welcome marker ng Marami City na may caption na “entrance longing for a safe haven...#StandwithMarawi.”

Sa post ni Angel ng welcome marker, nag-comment si Neil ng “Good job! Uwi Na!” Emoji at name ni Neil lang ang isinagot ni Angel.

Of course, may ilang taong bitter na pinipintasan ang pagkakawanggawa ng dalaga. Tumulong na lang sana sa kapwa sa halip na manira, ‘no?