1_MAIN PHOTO PLEASE

NAKAHIWALAY at malayo man sa Mainland Bicol, ang islang lalawigan ng Catanduanes ay hindi pa rin nagpapahuli sa pagpapakilala sa kanilang kakaibang mga pasyalan bilang #Happy Island at Abaca Capital sa buong mundo.

Ang industriya ng abaca ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mamamayan ng Catanduanes na katatapos lang magdiwang ng ikalawang Abaca Festival.

Muling ipinakita ang kahusayan ng abaca farmers sa kanilang trabaho sa pabilisan sa paggawa ng abaca fibers (abaca stripping) at bilang pagkilala naman sa kanila ay binigyan sila ng libreng masahe, pedicure at manicure.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ayon kay Gov. Joseph Boboy Cua, ipinagmamalaki nila ang iba’t ibang magagandang produktong produkto sa abaca katulad ng blusa, bags, lampara, papel, lubid, at iba pa. Nagpatingkad sa pagdiriwang ang masaya at makulay na float parade, creative dance competition, abaca festival queen competition, Mr. Bicol World, bikini open, at konsiyerto ng bandang Itchyworms. Pero sa lahat ng aktibidad ay mas bidang-bida ang abaca at ang masayahing mga Catanduanganon.

Ayon kay Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) Executive Director Kennedy T. Costales, ang Catanduanes ang pangunahing pinagkukunan ng abaca sa bansa at sa buong mundo ngayon. Nakatakda na ring isulong sa Kongreso ang House Bill para opisyal na ideklara ang Catanduanes bilang Abaca Capital of the Philippines.

Ang Pilipinas ang No. 1 producer ng abaca sa buong mundo nang maitala noong 2015 na 87% ng global abaca output ay galing sa ating bansa. Catanduanes ang nagbibigay ng 35% nito kasunod ang Davao Oriental (8.5%) at Northern Samar (7.7%).

Sa buong mundo naman ay ang Catanduanes ang nagbibigay ng mahigit 23,500 metric tons na abaca kumpara sa No. 2 abaca producing country sa mundo, ang Ecuador na nagbibigay naman ng 8,555 metric tons lamang.

Bagamat hinagupit ng bagyo nitong nakaraang Disyembre, nanatiling matatag ang industrya ng abaca sa lalawigan. Dagdag ni Costales, dumoble ang presyo ng abaca galing Catanduanes dahil sa kulang na supply nito sa ibang lugar habang tumataas ang demand.

Dagdag ni Costales, patuloy ang rehabilitasyon ng mga abaca sa lalawigan at kailangan itong suportahan hindi lamang ng gobyerno kundi ng mismong mga mamamayan at natutuwa siya sa ugali ng mga Catanduanganon na inihalintulad niya sa matibay na abaca ang pagiging resilient o matatag. Pinasalamatan ni Costales si Gobernador Joseph Cua at mga opisytal ng LGU Catanduanes dahil sa naaalagaan ang abaca farmers at malakas ang suporta sa kanilang mga pananim kaya nagiging maganda at malusog ang produktong abaca.

Bunsod nito, mas pinatitibay at pinaiigting ang suporta sa abaca farmers ng lokal na pamahalaang panlalawigan.

(Pasasalamat sa Catanduanes Provincial Tourism sa ibinahaging ilang larawan. (RUEL SALDICO at JINKY TABOR)

[gallery ids="248570,248569,248568,248567,248566"]