TARLAC CITY – Dahil sa nagaganap na kaguluhan sa Marawi City, 49 na mag-aaral ang napilitang mag-enrol sa mga public school sa Central Luzon.

Ayon sa report ni Malcolm Garma, regional director ng Department of Education (DepEd), mula noong June 5 ay 18 estudyante mula Marawi ang nag-enrol sa lungsod ng Angeles, siyam sa Zambales, walo sa Tarlac, apat sa Meycauayan City, tig- apat sa Gapan City at Olongapo, at dalawa sa Aurora.

Aniya, bilang bahagi ng pagtulong sa mga na-displaced na mag-aaral ay hindi na kinakailangan ang mga requirements sa pagpapatala at inihanda sa nasabing mga paaralan na i-accommodate ang mga transferees.

Bibigyan din sila ng karagdagang learning materials.

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan

Inatasan din ni Garma ang mga personnel sa paaralan na tanggapin ang mga enrolless hanggang sa katapusan ng Hunyo.

(Leandro Alborote)