Ipinag-utos ni Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada ang pagbabakuna sa mahigit 12,000 mag-aaral sa elementarya sa lungsod laban sa nakakamatay na dengue virus kaugnay sa pag-obserba ng Dengue Awareness Month.
Isasagawa ng Manila Health Department (MHD) ang school-based immunization simula bukas bilang pakikiisa sa dengue prevention program ng Department of Health (DOH).
“Dengue is not something to be taken for granted because it’s a constant major threat to the health of our schoolchildren. We want them protected from this deadly virus,” ayon sa alkalde.
Ayon sa MHD, 12,905 estudyante sa Grade 6 mula sa 73 pampublikong elementarya sa Maynila ang babakunahan laban sa dengue mula Hunyo 13 hanggang 28. - Mary Ann Santiago