ni Marivic Awitan

NAKATAKDANG sumabak ang 12 atleta ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) simula ngayon sa Thailand Open na gaganapin sa Thammasat University.

Pinangungunahan ng decathletes na sina Janry Ubas at Aries Toledo ang mga kalalakihang atletang bahagi ng koponan na kinabibilangan din nina Edgardo Alejan Jr. (400-meter, 4x400 meters), Michael del Prado (4x400m),NCAA Season 92 top trackster Francis Medina (400-meter hurdles, 4x400m), Anfernee Lopena (100 meters, 4x100m), triple jump record holder Mark Harry Diones (triple jump, 4x100m), Patrick Unso (110-meter hurdles, 4x100m), Clinton Kingsley Bautista (110-meter hurdles, 4x100m), at Ronne Malipay (triple jump).

Kasama rin ang dalawang kababaihang atleta na sina Narcisa Atienza (heptathlon) at Joan Caido (400m).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Isa ang Thailand Open sa mga tournaments na pagbabasehan namin ng evaluation ng mga athletes na magku-compete sa SEA Games,” pahayag ni national coach Jojo Posadas.

Kasama rin sa delegasyon ang iba pang mga coach na sina Sean Guevara at Roshaan Eugene Griffin .