SPEED copy copy

INIHAYAG na kahapon ang mga nominado sa unang The Eddy’s Awards, ang isa sa major projects ng Society of Entertainment Editors of the Philippines (SPEED) na ang layunin ay para lalo pang ma-inspire ang mga manggagawa sa local entertainment industry, lalo na ang Pinoy filmmakers na unti-unti nang nakikilala sa labas ng Pilipinas.

Ang SPEED ay binubuo ng entertainment editors ng mga pangunahing diyaryo sa bansa at pinamumunuan ni Isah Red bilang presidente. Bukod sa pagiging patnugot ng entertainment section, si Isah rin ang Lifestyle editor ng Manila Standard.

Gaganapin ang Eddy’s Awards sa Hulyo 9, 7:00 PM, sa Kia Theater, Araneta Centerm, Cubao, Quezon City. Magkakaroon ito ng delayed telecast, sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa awarding rites ng Eddy’s, na co-production ng Viva Live at ABS-CBN, unang magsasama bilang host ang mag-amang Edu at Luis Manzano.

“We humbly state that in our case, we are doing this solely because of the love we have all come to develop for the Philippine entertainment industry in the course of our respective careers as journalists. We are all fans of the Filipino talent and this is our way of giving it due recognition and support,” pahayag ni Isah. (Dindo m. Balares)