Isa pang umanong drug pusher ang hindi nakawala sa buy-bust operation sa Caloocan City, nitong Biyernes ng hapon.
Sa report kay Police Sr. Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan Police, kinilala ang inaresto na si Love John Fernando, 37, ng No. 301 PNR Compound, Barangay 73 ng nasabing lungsod.
Nakuha sa kanya ang isang pakete ng umano’y shabu at P200 marked money.
Sa imbestigasyon ni PO1 Dexter Zapanta, bandang 4:40 ng hapon, ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET), sa pangunguna ni SPO4 Ronaldo Domingo, ang operasyon sa kahabaan ng Samson Road, Bgy. 73, Caloocan City.
Si PO1 Michael Manaclay ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang magkabayaran, dinamba na ng awtoridad si Fernando.
Kasong paglabag sa R.A.9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinakaharap ni Fernando.
(Orly L. Barcala)