Laro Ngayon
(MOA Arena)
6:30 n.h. -- Ginebra vs TNT
TIWALA si Talk ‘N Text coach Nash Racela na madadala ni import Joshua Smith ang Katropa sa kampeonato maging ang makakaharap sa semifinals ay ang crowd-favorite Barangay Ginebra Kings simula ngayon sa 2017 OPPO-PBA Commissioners Cup sa MOA Arena.
Nakatakda ang duwelo ganap na 6:30 ng gabi.
Hataw si Smith sa naiskor na 31 puntos at 27 rebound para sandigan ang Katropa laban sa Meralco Bolts sa kanilang quarterfinals duel.
Nakaantabay naman para sa Kings si Justin Brownlee, ang susi sa tagumpay ng Kings sa nakalipas na conference.
Maliban kay Brownlee, isa pang dapat bantayan ng Katropa ang locals na sina LA Tenorio at Japeth Aguilar at nagbabalik na si Greg Slaughter. (Marivic Awitan)