Binaril hanggang mamatay ang dating vice governor ng Abra habang sugatan naman ang dalawa niyang kasama nang atakehin ng riding-in-tandem sa isang sabungan sa Barangay San Roque, Marikina City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director, Police Chief Supt. Romulo Sapitula ang napatay na biktima na si dating Abra Vice Governor Rolando Daet Somera, 62, ng 28 Philip Street, Vista Verde, Executive Village, Cainta, Rizal.

Samantala, sugatan naman sina Reynaldo De Luna, 46, at Wilfredo Apaliso, nasa hustong gulang, kapwa ginagamot sa magkaibang ospital.

Sa imbestigasyon ng Marikina City Police, dakong 1:10 ng madaling araw nangyari ang krimen sa San Roque Cockpit Arena sa Bgy. San Roque.

Romualdez, kinondena tensyon sa Middle East; seguridad ng mga Pinoy, pinatututukan

Palabas na umano ang mga biktima sa nabanggit na sabungan nang salubungin ng riding-in-tandem at malapitang pinagbabaril.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (MARY ANN SANTIAGO)