Pinagtibay ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa ang panukalang nagbabawal sa paniningil sa mga gumagamit ng comfort room sa mga terminal ng bus o jeepney, istasyon, at stops at rest areas.
Ang panukala (House Bill 725) ay inakda ni Mountain Province Rep. Maximo Dalog upang igiit na libre dapat ang palikuran sa kaginhawahan ng mga pasahero.
Sa panukala, inaatasan ng estado ang mga may-ari, operator at administrator ng “land transport terminals, stations, stops and rest areas to provide and maintain suitable and clean sanitary facilities, free of charge to passengers and travelers.”
Kailangan lang ipakita ng pasahero ang bayad niyang bus ticket upang magamit nang libre ang palikuran.
(Bert de Guzman)