Angel copy copy

MAY ilang bumabatikos sa pagbisita at pagbibigay ng tulong ni Angel Locsin sa mga kababayan nating lumikas dahil sa labanan ng mga sundalo at terorista sa Marawi City na nangangailangan ngayon ng kalinga.

Halos iisa ang nabasa naming batikos kay Angel, na puwede naman daw siyang tumulong na hindi ipinagsasabi o hindi napapanood sa telebisyon dahil inaakala nilang press release ito.

Para sa mga hindi nakakaalam, ayaw na ayaw ni Angel na may TV camera o ipinasusulat ang lahat ng charity works niya. Sa katunayan, maraming kawanggawa si Angel na iilan lang ang nakakaalam.

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

Pagkatapos ng halos lahat ng bagyong dumadaan sa bansa natin ay laging present si Angel para tumulong. Pero kung hindi pa natiyempuhan minsan na namimili siya ng bultuhan sa grocery at ipinost ng netizen, hindi pa malalaman ng iba.

Consistent na itong ginagawa ni Angel simula pa noong nakilala namin siya at wala siyang hinihintay na anumang kapalit.

Hindi siya mag-isang nagpunta sa Marawi kundi marami ang kasama niyang kapwa volunteer kaya hindi niya kontrolado kung may mga nag-post na kuha sa pagbisita at pagtulong niya sa mga kapatid nating Muslim.

Isa sa mga nag-post ang RMP (Risk Management Plan) at Kalinaw Mindanao Network, at ang caption nila sa mga kuha nila sa aktres, “Angel Locsin expressed sympathy to the evacuees of Marawi City as she visited the victims of aerial bombings and Marawi crisis in an evacuation center in Ma’had Alnor Al-Islaime, Block 8, Purok 5A, Ceanuri Subdivision in Tomas Cabili, Iligan City yesterday.

“Kalinaw Mindanao will hold a National Interfaith Humanitarian Mission on June 13-16 that will gather around 1,000 interfaith leaders, medical and mental health professionals, lawyers, humanitarian and development organizations, and volunteers from various universities and interfaith communities nationwide. They will render various resources and competencies for the IDPs.”

At for the record, si Angel ay miyembro ng Maranao royal family sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ang ina kasi ng aktres ay in-adopt ng isang prinsesa sa Marawi at ang lolo niya ay isa sa 15 sultanates ng nasabing bayan, kaya siya ay Maranao princess. Kaya hindi rin kataka-taka kung may malalim siyang malasakit at pagmamahal sa mga kalahi niyang Maranao.

Sariling lipi niya ang tinutulungan ni Angel.

Konting kuwento lang dahil narating na rin namin ang Marawi City, kasama sina Christian Bautista at Kim Idol ilang taon na ang nakararaan, sa imbitasyon ni Gov. Bombit Adiong. Tinawagan kami ni Angel nang malaman niyang naroon kami at tinanong kung kailangan namin ng additional security at kaagad siyang magpapadala.

Na-touch kami sa gesture na iyon ng aktres, pero sinabi namin na super safe ang Marawi City noon dahil well-taken care of kami ng pamilya Adiong lalo na ng pinsan nilang si Ms. Mary Ann Adiong-Gener na staff ni Governor Bombit.

Kaya nalulungkot kami sa mga nangyayaring ito sa Marawi City dahil for a while ay nakita namin na maayos at tahimik na namumuhay ang mga mamayan roon. (REGGEE BONOAN)