PORMAL na ipinahayag ng International Olympic Committee (IOC)’s Executive Board desisyon na isama ang 64 na mga atleta (32 lalaki at 32 babae) para sa 3x3 basketball bilang bahagi ng Olympic Basketball program na magsisimula sa darating na 2020 Tokyo Olympic Games.

Ayon sa IOC, ang bagong urban basketball discipline sa Olympic program ay isang malaking hakbang para sa development ng basketball at magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa ibang mga bansa at mga manlalaro.

“This is a historic day for FIBA and 3x3,” ani FIBA Secretary General at IOC Member Patrick Baumann. “It is the recognition of 10 years of hard work to codify the rules of 3x3 and to innovate with a unique 3x3 digital platform and player ranking system that bring together athletes with private and institutional organizers in a worldwide network of FIBA organized or sanctioned 3x3 events.” (Marivic Awitan)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!