Nananatiling normal ang sitwasyon sa Qatar at mas pinipiling manatili roon ng mahigit 250,000 overseas Filipino worker (OFW) sa kabila ng diplomatic crisis, sinabi kahapon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Filipino community sa Qatar ay wala pang nagpapahiwatig na OFW na nais nang umuwi sa Pilipinas, makaraang bumitiw sa Qatar ang ilang bansa sa Middle East.

Ang pagputol sa diplomatikong ugnayan ng naturang mga bansa ay bunsod umano ng pagsuporta ng Qatar sa terorismo.

Ayon pa kay Cacdac, katuwang ang Department of Labor and Employment (DoLE) at Department of Foreign Affairs (DFA), patuloy nilang inaantabayanan ang sitwasyon sa Qatar. (Bella Gamotea)

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte