NAPILITAN si Thai WBA minimumweight champion Thammanoon Niyomtrong na idepensa ang kanyang titulo kay mandatory contender at dating IBO world champion Rey “Hitman” Loreto sa Hulyo 15 sa Chonburi, Thailand.

Pinakamapanganib na depensa para kay Niyomtrong si Loreto na hindi pa natatalo sa Thailand at may rekord na dalawang panalo via knockouts kay dating IBF minimumweight champion Nkosinathi Joyi ng South Africa na matagal din hinawakan ang IBO title bago naagaw ni Loreto.

Dating Muay Thai boxing world champion si Niyomtrong na pumasok sa boksing noong 2012 at lahat ng 15 panalo niya ay ginanap sa iba’t ibang lugar sa Thailand, 7 sa pamamagitan ng knockouts.

Galing naman sa pitong sunod na panalo si Loreto, lahat sa pamamagitan ng stoppages at may rekord siyang 23-13-0 win-loss-draw na may 15 panalo sa knockouts. (Gilbert Espeña)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!