Hinihintay ni Senador Paolo Benigno “Bam” Aquino IV ang ipinangakong public apology ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa maling pagdawit sa kanya sa kaguluhan sa Marawi City, Lanao del Sur.

“Kailangang humingi ng paumanhin ang Justice Secretary at akuin ang responsibilidad sa kanyang padalus-dalos na akusasyon. The clarification that his office issued is merely stating the obvious,” sinabi ni Aquino sa inilabas na pahayag ng kanyang tanggapan kahapon.

Binawi ni Aguirre ang akusasyon nito na nakipagpulong si Aquino kasams si Sen. Antonio Trillanes IV at Magdalo Rep Gary Alejano sa ilang angkan sa Marawi City, tatlong linggo bago sumiklab ang karahasan sa nasabing siyudad.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“The least he can do is make a public apology at hinahanap natin ang pangako na mas magiging maingat na siya sa kanyang mga binibitawang salita,” giit ng senador. (Leonel M. Abasola)