ANG trahedyang nangyari sa Resorts World Manila, kung saan isang lalaking armado ng mahabang baril ang sumalakay sa casino hotel, namaril at nanunog ng mga mesa bago nagkulong sa isang silid at sinilaban ang sarili, ay nagbunsod ng kamulatan hindi lamang sa mga security professional, sa mga pulis at sa mga rescue worker, kundi higit sa lahat, sa publiko.

Ang nangyari ay tinatawag na sitwasyon ng “active shooter”. At sa kaso ng pag-atake sa casino, bagamat hindi direktang namaril ng mga tao ang salarin, nagdulot ng matinding takot at panic ang sunog, na nagresulta sa pagkasugat ng ilan habang mahigit 30 naman ang nasawi sa nalanghap na usok.

Sa isang panayam, nagbigay ng payo ang eksperto sa seguridad na si Joel Jesus Supan kung ano ang maaaring gawin sakaling mapagitna tayo sa isang sitwasyong may active shooter.

May 34 taon nang nagtatrabaho sa organizational security, sinabi ni Supan na bagamat pinapayuhan ang lahat na manatiling kalmado, hindi lahat ay naiisip pa ito sa matinding pagkataranta.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“Panic is usually the by-product of ignorance. Knowing what to do may not be enough to keep you calm but it will certainly give you focus to be able to do what needs to be done,” sabi ni Supan.

“As soon as you hear what sounds like gunfire, get low on the ground, duck or find cover. Find out where the gunfire is coming from so you do not accidentally run towards it in case you need to evacuate.

“Seek cover that is capable of stopping bullets. Heavy posts, thick concrete walls are good. Never hide behind shop windows or glass.”

Nasa loob man o labas ng isang gusali, sinabi ni Supan na makabubuting laging alerto sa paligid.

“All too often, people are caught unaware, distracted by spending too much time fiddling with their mobile phones or playing their MP3 players too loud. They would never realize it even if the shooter or shooters were actually beside them when the mayhem starts. These people almost certainly will become victims,” ani Supan.

Tinatawag ito ni Supan na “situational awareness” o ang pagiging pamilyar ng isang tao sa kanyang kapaligiran, pagtukoy sa mga posibleng panganib sakaling may mangyaring emergency.

Pinaalalahanan niya ang publiko na dapat na mabatid ang mga labasan sa lahat ng pinapasok na gusali o istruktura.

“It is never a good idea to stay in a building or confined space where an active shooter might actually target civilians. Evacuation is always the first option in an active shooter situation,” aniya. “Escape even if others may not want to follow. If caught within an office, stay inside and secure the door to your room if there is no chance of escape. In the case of RWM where a fire broke out, evacuation was the only option.”

Ang ikalawang pagpipilian ay ang pagtatago sa lugar na hindi abot ng tingin ng namamaril, ayon kay Supan, at binigyang-diin na ang pagtataguan ay dapat na makapal o matatag “in case bullets start flying your way”.

“If a door is your only protection, make sure it is blockaded with heavy furniture. When forced to hide, make sure your mobile phones and gadgets are silent. Call for help when you need to but make sure the sound of a ringing phone will not attract a shooter’s attention when you get a response,” aniya.

Kung sa labas nangyari ang insidente, pinakamainam ang magkubli sa malalaking puno, konkretong poste, pader, o bakod.

(PNA)