Lauren copy copy

IPINAGTANGGOL ng Fifth Harmony star na si Lauren Jauregui ang kanyang powerful open letter na bumabatikos kay Donald Trump, iginiit na pakiramdam niya ay dapat siyang manindigan laban sa U.S. president.

Ibinahagi ng 20-anyos na singer, isa sa quartet ng hit pop group, ang kanyang well-written letter sa People magazine nitong Enero 17, na nagdedetalye ng kanyang mga pananaw sa kontrobersiyal na executive order na nilagdaan ni Trump na nagsasara ng mga hangganan ng America sa mga biyahero at refugees mula sa pitong bansa sa Middle East sa loob ng 90 araw.

Naging laman ng mga balita ang liham ni Lauren simula nang ilathala, at sinabi ng bituin sa radio station HOT 97 na pinaninindigan niya ang lahat ng kanyang mga sinabi sa liham.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“I kind of saw a lot more support than I saw backlash,” paliwanag niya. “For me, the whole message was really important and at the time I felt in my heart compelled to say something about it because I so strongly believe in what I believe in and I myself I love who I am and I love who these women are.”

Ang liham ay hindi lamang nagpapahiwatig ng nararamdaman ni Lauren, ngunit kumakatawan din sa pananaw ng Fifth Harmony bilang isang banda. At naniniwala si Lauren na mahalaga para sa banda na tiyakin sa kanilang mga tagahanga na 100 porsiyento ang suportahan nila sa mga ito, anuman ang kanilang lahi, kasarian at lugar na sinilangan.

“We represent that. We stand for women of colour and women going through things and this administration just jeopardised that in a very grand scheme and in a way that made it seem validated and that to me wasn’t acceptable,” pagpapatuloy niya. “I needed our fans to know they’re loved and accepted and fear isn’t the way to go.”

Naging kontrobersiyal ang liham ni Lauren dahil hindi pangkaraniwang may nagiging outspoken sa pop music industry.

Gayunman, inamin ng Cuban-American star na hindi siya natatakot manindigan sa kanyang paniniwala.

“Something that’s so important, is just like empowering these kids and letting them know what their voice means and showing them that they shouldn’t be afraid. Because there’s nothing to fear,” aniya.

“This world is our reality, we create the reality that we exist in so if everyone can just think about what they’re doing and think about what’s going on and really care about it for just a second of their time... Empathy is so important and making empathy cool and make empathy (is) a really amazing thing that everyone should want to practice.

We should care about each other.” (Cover Media)