Inaresto ng Makati City Police ang tatlong lalaki matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia sa anti-illegal drugs operation, kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang isinasailalim sa imbestigasyon ang mga suspek na sina Leo Munsalad y Vargas, 48, ng No. 2242 P. Binay Extension, Barangay Bangkal, Makati City; Crispen Bruan y Dela Cruz, 18, ng No. 195 Saint Joan Street, Maricaban, Pasay City; at kapitbahay niyang 17 anyos, estudyante.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), dakong 4:45 ng hapon nadakip ang tatlong suspek sa La Guardia St., dating P. Binay Extension, Bgy. Bangkal.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu, dalawang rolyo ng aluminum foil, isang lighter, isang glass tube, pitong empty plastic sachet ng umano’y shabu at P263 cash.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pawang nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Sections 11 at 12, ng Article II, RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (Bella Gamotea)