Napatay ang isang drug lord na umano’y kabilang sa mga financier ng Maute Group, makaraang manlaban sa pagdakip ng militar at pulisya sa bayan ng Malabang sa Lanao del Sur, nitong Huwebes ng gabi.

Sinabi kahapon ng 6th Infantry Division na napatay si Nago Balindong habang isinisilbi ng mga awtoridad ang arrest warrant laban sa kanya sa Barangay Jose Abad Santos, Malabang.

Naaresto naman ang asawa ni Balindong na si Noraya Santican Balindong, at mga tauhan umano ng drug lord na sina Bocari Balindong, Camaloden Balindong, at Tingaraan Boro-Boro.

Nasamsam umano sa kanila ang maraming sachet ng hinihinalang shabu, baril at dalawang granada.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon kay Army Capt. Arvin Encinas, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, isa si Balindong sa natukoy sa kanilang intelligence monitoring na umano’y may direktang koneksiyon sa Maute, at sinasabing isa sa. (Fer Taboy)