090617_Aguirre_Filephoto_03 copy

Pinaiimbestigahan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga ulat na sangkot sa planong destabilisasyon ang ilang miyembro ng oposisyon.

Ibinigay ni Aguirre ang direktiba sa pamamagitan ng Department Order (DO) No. 385 na may petsang Hunyo 7 at inimpormahan si NBI Director Dante Gierran sa gawaing itinalaga sa Bureau.

Sa kanyang kautusan, sinabi ng Kalihim sa NBI na inaatasan at binibigyan ito ng awtoridad “to conduct investigation and case build-up over the alleged destablization plot against the government of the Republic of the Philippines by some Senators and other opposition leaders, and if evidence warrants, to file the appropriate cases against those who may be found liable.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sinabi ni DOJ Assistant Secretary Juvy Ramirez-Manwong na inilabas ang DO No. 385 kasunod ng press briefing ni Aguirre ng umaga ng Hunyo 7 matapos niyang isiwalat na nakatanggap siya ng mga ulat na si Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, dating presidential adviser for political affairs Ronald Llamas, Magdalo party-list Rep. Gary Allejano Alejano, Sen. Antonio Trillanes IV ay nakipagkita sa maiimpluwensiyang angkan ng mga Muslim, kabilang ang mga Lucman at Alonto, sa Marawi City noong Mayo 2 bago ang pag-atake ng teroristang grupong Maute.

Sa nasabing pulong, ipinakita ni Aguirre sa mga mamamahayag ang litrato ng diumano’y pagpupulong nina Alejano, Trillanes, Llamas, dating Pampanga Governor Mark Lapid at dating Zamboanga del Sur Vice Governor Ace Cerilles.

Gayunman, lumabas din ang parehong litrato sa Facebook account ni Cerilles ngunit ipinaskil niya ito noong Setyembre 4, 2015 sa Iloilo International Airport.

Humingi na ng paumanhin si Aguirre sa pagdawit sa pangalan ni Aquino at ng mga Alonte at Lucman sa karahasan sa Marawi City. (JEFFREY G. DAMICOG)