Coney copy

SA thanksgiving presscon ng My Dear Heart, inamin ni Ms. Coney Reyes na tinanggap niya ang papel bilang Dra. Margaret Divinagracia kahit masamang lola siya ni Heart (Nayomi Ramos) at ina ni Dra. Guia Divinagracia (Ria Atayde) dahil nagagandahan siya sa karakter.

May ibang artista raw kasi na ayaw tumanggap ng masamang karakter dahil Christian sila katulad ni Ms. Coney.

Ang paliwanag ng beteranang aktres, “I’ll just speak for myself, ako ‘pag maganda talaga ‘yung role na inaalok sa akin, siyempre pinag-uusapan ‘yan, may parameters din ako, may limits ako and clear iyon, everything’s lay down on the table before I start with.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“So, I get very comfortable with my role because I know that they understand, management understands of what I can do and I cannot do and it’s quote-unquote easier to show good if you show evil and I think if you portray evil and see the transformation and it becomes very clear and people will really just realized that there is hope for one who is so bad to become good to transform, so enjoy ako sa ganu’n, eh.

“So kailangan may transformation talaga ‘yung character. Do’n naman nagiging challenge sa akin because I want to portray differently from the last one.”

Anong eksena ni Dra. Margaret ang tumatak o paborito ni Ms. Coney?

“I can’t really pinpoint on one, there are a lot of memorable scenes, siguro nahirapan lang ako kapag sobrang haba ng mga lines ko, kasi I want to sustain the emotion, do of what expected of me and then ‘yung kaeksena ko gusto ko makahugot sa akin para tuloy-tuloy ang eksena. So marami kasi, I have memorable scenes practically with everyone.

“But I would also say na my scenes with Heart kapag kami lang maglola na nag-uusap kami tapos kapag nakukulitan ako sa kanilang dalawa (Heart at Bingo)” sabay hirit ni Binggo ng, ‘kinikiliti po kita?’. ‘Sa totoong buhay ‘yun, hindi naman sa eksena,’ mabilis na sagot ni Dra. Margaret. So ‘yun, kasi kinikiliti niya ako, nagkikilitian kaming dalawa, minsan nag-uunahan kami sa tighter shot at kailangan lagi akong may dalang (premyo),” kuwento ng aktres.

Nabanggit din na sina Bingo at Heart daw ang nagbibigay saya sa kanila sa set dahil ginagaya ng una ang mga sinasabi ng kanilang mga direktor.

Samantala, sa natitirang “5 heartbeats” ng My Dear Heart ay wala pang ideya ang buong cast maging si Direk Jojo Saguin kung ano ang mangyayari kay Heart na alam namang mabubuhay, hindi lang alam kung ano ang twist.

Kaya abangan ang nalalapit na pagtatapos ng MDH simula sa Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng FPJ’s ang Probinsyano handog ng Dreamscape Entertainment. (Reggee Bonoan)