PATOK sa takilya ang inilargang World Slashers Cup 2 kamakailan sa Smart Araneta Coliseum.

Umabot sa 9,000 ang crowd na sumaksi sa koronasyon ng tatlong magigiting na breeder sa prestihiyosong torneo na itinataguyod ng Pintakasi of Champions sa pakikipagtulungan ng Thunderbird, Petron, at Filipino-owned company Excellence Poultry and Livestock Specialists.

Tinanghal na co-champion sina Escolin brothers kasama si Dante Eslabon (Escolin Eslabon), Frank Berin (Mulawin), at Anthony “Tonton” Lim (Lucban) tangan ang 8-1 karta.

Kasama sina 2017 Miss Universe Philippines Rachel Peters at 2017 Bb. Pilipinas International Mariel de Leon sa nagkaloob ng premyo at tropeo sa mga nagwagi sa simpleng awarding ceremony sa Novotel Manila-Araneta Center.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hataw ang Escolin Eslabon sa walong sunod na panalo bago natalo sa Balete Eco Farm ni Peter Alsosa sa ika-48 laban.

Nangibabaw naman ang Berin, WSC Cup 1 champion kontra Rep. Kulit Alcala (VJA Khulit CC Combine 2) sa huling laban, habang nagtamo ng kabiguan si Lim sa ikapitong sultada.

“Mula po nung January hanggang ngayon, wala pa rin pong pagbabago sa paghahanda namin para sa Slasher. Talagang kailangan lang po ng sipag at tiyaga,” pahayag ni Berin.

Ito naman ang unang tagumpay ng Escolin brothers sa taunang torneo.

“Every year, meron kaming entry sa Slasher,” sambit ni Martin Escolin.

Iginiit naman ni Lim na malaking tulong torneo sa pagpapataas ng kalidad ng mga breeder higit yaong mgfa local participants.

“Sana mag kita-kita uli kami next January,” aniya.