Pinaalalahanan kahapon ng Department of Health (DoH) ang mga namamahala ng mga kantina sa paaralam na tiyaking tama ang ‘kulay’ ng pagkaing kanilang ibinebenta, alinsunod sa mga alituntuning inilabas ng Department of Education (DepEd).

Binanggit ni DoH Supervising Health Program Officer Luz B. Tagunicar ang mga alintuntunin ng DepEd na kinakategorya ang mga pagkain sa tatlong kulay: green, yellow, at red.

“Iyong DepEd nagpalabas na sila ng bagong guideline. They categorized iyong mga binebenta sa school canteens. Merong green, may yellow, at red,” aniya.

Ayon kay Tagunicar, ang pagkain sa ilalim ng “green” category ay maaaring ipagbili araw-araw; ang “yellow” ay isa o dalawang beses sa isang linggo; habang mga nasa “red” ay hindi dapat na ibenta sa mga eskuwelahan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Iyong ‘green’, ito yong mga gulay, fruits, root crops, that they prepared freshly,” paliwanag niya.

“Ang nasa ‘yellow’ ay lilimitahan. Siguro, once or twice a week lang [ibebenta sa canteen]. Kasama iyong processed na pagkain plus iyong mga mataas ang sugar, kagaya ng champorado, banana cue. Processed, tocino, longganisa,” dugtong niya.

Ang mga pagkain sa ilalim ng “red” category, naman ay “highly processed” at maraming asukal at taba.

“Higly processed tapos mataas sa sugar and fat; kagaya ng mga sugar-sweetened beverages gaya ng soft drinks, mga nasa tetra pack na juice, even powdered juice,” banggit niya.

Sinabi ni Tagunicar na binibigyan ang mga school canteen ng ilang buwan para sumunod sa mga alituntunin. “I think they were only given two to three months para ayusin ang mga canteen nila,” aniya. (Charina Clarisse L. Echaluce)