Bababa ng P1.43 kada kilowatt hour (kWh) ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Hunyo.

Ayon sa Meralco, dahil sa bawas-singil ay umaabot na lamang sa P8.17/kWh ang overall charge nila ngayong buwan.

Ito na umano ang pangalawa sa pinakamababang singil ng Meralco simula noong Disyembre 2009.

Nabatid na kasama na sa P1.43 na tatapyasin sa singil sa kuryente ang refund na P0.79 kada kwh, na ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa sobrang nakolekta simula 2014 hanggang 2016, gayundin ang bumabang presyo ng kuryente sa merkado.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang naturang pagbaba ng singil sa kuryente ay katumbas ng P286 bawas sa bill ng consumers na kumukonsumo ng 200 kWh, P429 bawas sa kumukonsumo ng 300 kWh; P572 ang matitipid kung 400 kWh ang nagagamit; at P715 naman ang tapyas kung 500 kWh ang nakukonsumong kuryente. (Mary Ann Santiago)