JAKARTA (AP) – Inihayag ng Indonesian police nitong Huwebes na naaresto nila ang isang lalaki na pinaghihinalaang tumulong sa mga Indonesian na sumali sa mga militanteng Muslim sa pag-atake sa Marawi City, Lanao Del Sur sa Pilipjnas at dalawa pang diumano’y nanghikayat ng double suicide bombing sa Jakarta noong Mayo 24.
Sinabi ni national police spokesman Martinus Sitompul na naaresto ang suspek noong Martes sa lungsod ng Yogyakarta sa Central Java. Pinaghihinalaangsiya ang umasikaso sa pagbiyahe ng mga Indonesian patungong Mindanao para umanib na Maute Group, kaalyado ng teroristang grupong Islamic State, na patuloy na nilalabanan ng mga militar sa Marawi City.
Tanging inisyal ng lalaki ang ibinigay ng pulisya at sinabing apat sa mga tinulungan nito ay kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad sa Pilipinas.