Dumadanas na ng “food crisis” sa Marawi City kaya naman pinaigting ng gobyerno ang humanitarian assistance sa mga apektadong residente.

Sinabi ni Irene Santiago, chief government negotiator, na nagbukas ng isa pang “peace corridor” para sa mas maraming pagkain at iba pang relief aid sa harap ng mga ulat na lumobo ang presyo ng mga pagkain sa siyudad.

“There is a rising food crisis. One sack of rice is now P5,000,” sinabi ni Santiago sa ‘Mindanao Hour’ press briefing sa Davao City.

“So it is important that we secure the passageway around the lake so that we can bring food assistance in and we can bring food prices down,” ani Santiago, na nangangasiwa sa mga peace corridor, na proyekto ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Layunin ng peace corridor na mapabilis ang pagkakaloob ng tulong sa evacuees, kasama na ang rescue operations sa mga sibilyang naiipit pa rin sa siyudad.

“Several organizations and groups have been able to send food, medicines, and other humanitarian aid,” sabi ni Santiago. Kabilang sa mga grupong ito ang Autonomous Region in Muslim Mindanao, International Committee of the Red Cross, at Bangsamoro Development Agency.

Aniya, magbubukas ng isa pang peace corridor para sa mga residenteng pansamantalang tumutuloy sa paligid ng Lake Lanao.

Kasabay nito, napaulat na kinakapos pa rin sa supply ng tubig at kuryente ang mga evacuation center sa paligid ng Marawi, sa mahigit dalawang linggong bakbakan ng militar at Maute.

Batay sa huling datos ng Department of Health (DoH), nasa 172,834 na katao ang apektado ng labanan. Nasa 201,785 ang populasyon sa Marawi. (GENALYN D. KABILING at YAS D. OCAMPO)