Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) agents ang isang German na wanted sa kanyang bansa sa tangkang pagpatay sa kanyang kababayan, mahigit sampung taon na ang nakalilipas.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang 52-anyos na puganteng si Lothar Gunther Bebenroth, na inaresto nitong Miyerkules sa Alburquerque, Bohol.

Ayon kay Morente, tinutugis si Bebenroth sa kanyang bansa upang humarap sa korte sa Postdam, Germany kung saan siya nahaharap sa kasong serious assault at nahatulang makulong sa tangkang pagpatay noong Disyembre 28, 2006.

Sinentensiyahan si Bebenroth ng dalawang taong pagkakakulong matapos nitong aminin na sinaksak, gamit ang isang kutsilyo, niya sa tiyan ang isang lalaki na muntik nitong ikamatay.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ayon kay Morente, nakatakdang ipatapon si Bebenroth sa kanyang pinagmulan dahil sa pagiging undocumented alien – kinansela ng German government ang kanyang pasaporte – at sa pagiging banta sa seguridad.

“He will then be placed in our blacklist to prevent him from re-entering the Philippines,” dagdag ng BI chief.

(Jun Ramirez at Mina Navarro)