SAN FRANCISCO (PNA) – Natuklasan ng mga mananaliksik sa University of California, San Francisco, na ang matatanda na paulit-ulit sakit ay mas mabilis na humihina ang memorya habang nagkakaedad at mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng dementia pagkaraan ng ilang taon.
Inilathala nitong linggo sa JAMA Internal Medicine, ipinahihiwatig ng mga tuklas sa kanilang pag-aaral na ang chronic pain o pabalik-balik na sakit ay maaaring may kaugnayan sa mga pagbabago sa utak na nag-aambag sa dementia.
Pinag-aralan ng mga mananaliksik ang datos ng 10,000 partisipante na nasa edad 60 pataas sa loob ng mahigit 12 taon.
Ang mga partisipante na nagsabing patuloyna binabagabag ng katamtaman o matinding sakit simula 1998 hanggang 2000 ay bumaba ng 9.2 porsiyento mas mabilis sa mga pagsusulit sa memory function sa loob ng susunod na 10 taon kaysa mga nagsabing hindi sila namomoroblema sa sakit.
Ang mga nagreklamo ng paulit-ulit na sakit ay nagkaroon din ng maliit ngunit mahalagang pagtaas sa posibilidad na magkaroon ng dementia sa kabuuan.
Sinabi ni Elizabeth Whitlock, postdoctoral fellow sa UCSF Department of Anesthesia and Perioperative Care at unang may-akda ng pag-aaral, na itinuturo ng tuklas ang mga bagong paraan ng pag-iisip kung paano protektahan ang matatanda sa cognitive insults ng pagtanda.
“Elderly people need to maintain their cognition to stay independent,” aniya. “Up to one in three older people suffer from chronic pain, so understanding the relationship between pain and cognitive decline is an important first step toward finding ways to help this population.”
Isinusuhestiyon ng pananaliksik ang tatlong posibleng overlapping reasons sa kaugnayan ng chronic pain at dementia:
ang pagtaas ng panganib ng dementia ay maaaring dulot ng mga painkiller, gaya ng opioid; maaaring dahil sa nararanasang sakit ay nakokompromiso ang kakayahan ng utak na ma-encode ang mga alaala at iba pang cognitive functions; at maaaring ito ay dahil sa iba pang dahilan na hindi nasukat ng pag-aaral.