NAMAYANI ang Batang Ginebra at Batang Phoenix sa semifinals upang maitakda ang pagtutuos sa winner-take-all match para sa 2017 Batang PBA 15-Under championship sa MOA Arena sa Pasay City.

Sinakyan ng Batang Fuel Masters ang mainit nilang panimula upang magapi ang Batang Blackwater, 69-54 at makausad sa Finals.

Nagtala si Arleen Jeffrey Lenon ng 25 puntos, kabilang ang siyam sa first period kung saan umagwat ang Batang Phoenix, 24-11 at siyam din sa fourth period upang matiyak ang panalo.

Pinangunahan naman ni Abel Juniel Lopez ang Batang Blackwater sa kanyang itinalang 11 puntos.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Sa isa pang laban, sumandig naman ang undefeated na Batang Gin Kings sa ratsada nila sa third period upang magapi ang Batang San Miguel Beermen, 72-53.

Nagposte si Clarence Andrei Ramos ng 16 puntos bilang topscorer, ngunit si Ren Cobie Tolentino ang namuno sa kanilang pananalasa sa third canto kung saan niya itinala ang 10 sa kanyang 14 puntos na output.

Pinangunahan naman ni Resty Damaso ang Batang San Miguel sa itinala niyang 19 puntos.

Magtutuos ang dalawang koponan para sa kampeonato ngayong 1:00 ng hapon sa Araneta Coliseum. (Marivic Awitan)