PUTRAJAYA (Bernama) – Siyam na Pilipino na sangkot sa panlulusob sa Lahad Datu, Sabah ang pinatawan ng parusang bitay sa Court of Appeal kahapon dahil sa pakikipagdigma sa Yang di-Pertuan Agong, ang monarch ng Malaysia, noong 2013.

Pinagbigyan ni Justice Datuk Setia Mohd Zawawi Salleh, namumuno sa three-man panel, ang apela ng prosekusyon na palitan ng parusang kamatayan ang habambuhay na pagkakakulong na ipinataw ng Kota Kinabalu High Court laban sa siyam kaugnay sa nasabing pagkakasala.

Ang mga Pilipino ay sina Datu Amirbahar Hushin Kiram, 54, anak ng namayapang Sultan ng Sulu na si Jamalul Kiram; Julham Rashid, 70; Virgilio Nemar Patulada o Mohamad Alam Patulada, 53; Salib Akhmad Emali, 64; Tani Lahad Dahi, 64; Basad H. Manuel, 42; Atik Hussin Abu Bakar, 46; Al-Wazir Osman, 62, at Ismail Yasin, 77.

Sinabi ni Justice Zawawi na kamatayan ang nararapat na sentensiya dahil mayroong mga elemento ng maingat na planong panlulusob. Sinabi niya na ang pag-atake ng mga banyagang kalaban ay hindi pa nangyari sa kasaysayan ng Malaysia at ito ay malupit sa buhay, ari-arian at nagkaroon ng traumatizing effect.

National

'Huwag kayo tumulad kay Bato at Baste!'—AI student

Pinagtibay din ng parehong panel, binubuo rin nina Justices Datuk Abdul Rahman Sebli at Datuk Kamardin Hashim, ang pagsasakdal sa siyam na lalaki sa salang pakikipagdigma at ibinasura ang kanilang apela laban sa hatol.

Ang siyam na Pinoy ay kabilang sa 23 inakusahan ng patung-patong na kaso ng pakikipagdigma at terorismo na iniugnay sa armadong paglusob sa Kampung Tanduo sa pagitan ng Pebrero 12 at Abril 10, 2013.

Samantala, pinagtibay ni Justice Zawawi ang pagpapawalang-sala sa 14 na iba pang akusado sa kasong pakikipagdigma at terorismo.