GENEVA (Reuters) – Naglathala ang World Health Organization ng bagong klasipikasyon ng mga antibiotic nitong Martes sa layuning maiwasan ang drug resistance, at inirekomenda ang penicillin-type drugs bilang first line of defense at ang iba pa ay gagamitin lamang kapag lubha nang kailangan.
Kabilang sa bagong “essential medicines list” ang 39 antibiotics para sa 21 karaniwang mga sintomas ng sakit, na kinategorya sa tatlong grupo: “Access”, “Watch” at “Reserve”.
Ang mga gamot sa “Access” list na mas mababa ang resistance potential ay kinabibilangan ng amoxicillin, na ginagamit ng marami.
Ang “Watch” list ay kinabibilangan ng ciprofloxacin, na karaniwang inirereseta para sa cystitis at strep throat ngunit “not that effective”, sabi ni WHO Assistant Director-General for Health Systems and Innovation Marie-Paule Kieny sa mga mamamahayag.
Dapat na “dramatically reduced” ang paggamit nito, pahayag ng WHO.
“We think that the political will is there but this needs to be followed by strong policies,” sabi ni Kieny.
Ang “Reserve” category antibiotics gaya ng colistin ay dapat ituring na last resort. Nagbunsod ito ng mga katanungan kung paano kikita ang producers ng ganitong antibiotics, ayon kay Suzanne Hill, Director ng Essential Medicines and Health Products ng WHO.
“What we need to do is stop paying for antibiotics based on how many times they are prescribed, to discourage use. We don’t want colistin used very frequently. In fact we don’t want it used at all,” ani Hill.
“What we need to do as a global community is work out how we pay the company not to market colistin and not to promote it and to keep it in reserve.”
Ikinonsidera ng WHO classification ang paggamit ng antibiotics para sa kalusugan ng hayop, at dinebelop katuwang ang U.N. Food and Agriculture Organisation at ang World Organisation for Animal Health.
Ang iba pang pagbabago sa listahan ay kinabibilangan ng pagdagdag sa dalawang oral cancer treatments, isang bagong pill para sa hepatitis C na pinagsamang dalawang gamot, isang mas epektibong treatment para sa HIV, at bagong paediatric formulations ng mga gamot para sa tuberculosis.
Ngunit sinabi rin ng WHO na ang kilalang flu drug ng Roche na oseltamivir, ibinibenta bilang Tamiflu, ay maaaring alisin sa listahan hanggang sa magkaroon ng bagong impormasyon na sumusuporta sa paggamit nito sa seasonal at pandemic influenza outbreaks.
“There is an updated data set compared to when the committee evaluated this product last, and what that suggests is that the size of the effect of oseltamivir in the context of pandemic influenza is less than previously thought,” ani Hill.
Ngunit ang oseltamivir ang natatanging inilistang antiviral, at kapaki-pakinabang para sa mga buntis at mga pasyenteng may kumplikasyon, kaya ang gamot ay kailangang restricted sa pinakamaseselang pasyente, dagdag niya.