Duguan ang isang lalaki nang pumutok ang pinaglalaruan niyang baril sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang ginagamot sa ospital si Cornelio Gayo, 30, tricycle driver, ng 1345 San Nicolas Street, Tondo, Maynila, dahil sa tama ng bala ng ‘di tinukoy na kalibre ng baril sa kaliwang hita.

Sa ulat na isinumite ni PO1 Paul Dick Valencia kay Manila Police District (MPD)-Station 3 commander Police Supt. Arnold Thomas Ibay, dakong 12:00 ng madaling araw nangyari ang aksidente sa Ipil St., sa Sta. Cruz.

Pinaglalaruan umano ng biktima ang kanyang baril at aksidenteng pumutok at tumama sa kanyang hita.

National

Revilla, sumuko na: 'Nakakalungkot po parang wala yatang due process'

Agad siyang isinugod sa ospital ng kanyang kapitbahay. (Mary Ann Santiago)